VATICAN CITY (Reuters) – Sa huling pagpapakita ni Pope Francis ng pagmamahal sa mga palaboy ng Rome, sinabi ng Vatican noong Martes na bibigyan sila ng special private tour sa mga museo nito at sa Sistine Chapel.

May 150 palaboy na madalas sa Vatican area - kung saan nagpatayo na si Pope Francis ng mga pasilidad upang sila ay makapaligo – ang magbibisita sa Huwebes ng hapon, iniulat ng pahayagan ng Vatican na L’Osservatore Romano.

Papasok sila sa Vatican padaan sa entrance na kadalasan ay inilaan sa mga prelate at empleyado, daraanan ang guest house na tinutuluyan ni Pope Francis, at magkakaroon ng prebilihiyong makita ang likod ng St. Peter’s Basilica at ang mga hardin ng Vatican.

Ang mga museo, binibisita ng anim na milyong tao kada taon na nagbabayad ng 16 euros, ay maagang isasara upang magkaroon ang mga palaboy ng VIP treatment sa Sistine Chapel na may mga pamosong fresco ni Michelangelo.

National

VP Sara, humingi ng pasensya sa mga ‘nai-stress’ sa kaniyang sitwasyon