IBANG mukha ng Baler ang ipakikilala ngayong Sabado nina Solenn Heussaff at Iya Villania. Bukod sa relaxing beaches nito ay bibisitahin din ng Taste Buddies ang town museum at ang simbahan na magpapakilala sa kasaysayan ng Baler.

Magsa-side trip din ang dalawa sa bayan ng Maria Aurora para makita ang Millenium Tree, na sinasabing pinakamalaki at pinakamatandang puno ng Balete sa Asya. Madidiskubre rin nila ang Dicasalarin Cove na bukod sa may private beach at light house, ay artist’s haven din.

Gutom naman ang magdadala kay Iya sa Kusina Luntian, isang bahay kubo na pag-aari ni Biboy Cruz. Isa siyang city-boy-turned-surfer na nagtayo ng maliit na kainan para sa kanyang surfing lifestyle. Dito ay naghahanda siya ng kanyang sariling version ng tapsilog at patok na pako salad. Si Solenn naman ay bibisita kay Nanay Pacing na sikat dahil sa kaniyang peanut butter, atsara, at coco jam. 

Isang exciting Saturdate na ang ihahatid nina Solenn at Iya ngayong March 28 sa Taste Buddies, 8:45 PM sa GMA News TV.
National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA