Inihahanda na ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang online Visita Iglesia site nito para sa mga overseas Filipino worker (OFW) na hindi makauuwi sa bansa ngayong Mahal na Araw.

Sa pamamagitan ng online Visita Iglesia, makakapag-virtual tour ang mga OFW sa 44 na pamosong simbahan sa bansa.

“Dear OFWs, this is for YOU! Virtual Visita Iglesia tour of famous Philippine churches in 360-degree view!” pahayag ng CBCP sa Twitter account nito.

Hanggang nitong Linggo ng umaga ay may mensahe na ni Pope Francis para ngayong Lent 2015 ang Visita Iglesia site na http://visitaiglesia.net/ph/.

Akbayan, De Lima 'di apektado sa pagtutol ni PBBM: 'Kailangang manaig ang batas!'

Makikita na rin dito ang “Urbi et Orbi message” noong Easter 2013, at mga catechesis article.

Kabilang sa mga kilalang simbahan sa bansa na maaaring bisitahin sa virtual Visita Iglesia ang Immaculate Conception Parish (Balayan, Batangas), San Carlos Borromeo Church (Batan, Batanes), San Jose de Ivana Church (Batan, Batanes), St. Augustine Church (Paoay, Ilocos Norte), Sta. Monica Church (Sarrat, Ilocos Norte), St. Paul Metropolitan Cathedral (Vigan, Ilocos Sur), Shrine of Nuestra Señora de la Caridad (Bantay, Ilocos Sur), Our Lady of Mt. Carmel Parish (Malolos, Bulacan), Baler Catholic Church (Aurora).

May virtual tour din sa Minor Basilica of the Black Nazarene (Quiapo, Manila), Immaculate Conception Parish o San Agustin Church (Intramuros, Manila), Manila Metropolitan Cathedral-Basilica Santo Domingo Church (Quezon City), San Ildefonso de Toledo Parish (Tanay, Rizal), Minor Basilica of St. Michael the Archangel (Tayabas, Quezon), St. Joseph Cathedral (Poblacion, Romblon), St. James the Apostle Church (Paete, Laguna), at maraming iba pa.