INDIAN WELLS, Calif. (AP)- Umatras si Serena Williams mula sa kanyang semifinal sa BNP Paribas Open sanhi ng pinsala sa kanang tuhod.

Nakatakda sanang makaharap ng world’s top-ranked player si third-seeded Simona Halep sa ikalawang semifinal ngayon. Inaasahang ihahayag ni Serena ang pangyayari sa crowd matapos ang unang semifinal sa pagitan nina Jelena Jankovic at Sabine Lisicki.

Nagbalik si Williams sa Indian Wells sa unang pagkakataon matapos ang nakalipas na 14 taon upang tapusin na ang kanyang pag-boycott na nagsimula nang mapasakamay ang titulo noong 2001 kung saan ay 19-anyos pa lamang siya. Dapat sana’y makakalaban niya ang nakababatang kapatid na si Venus sa semifinal sa nasabing taon ngunit umatras ang huli may 20 minuto pa ang nalalabi sa laro sanhi ng knee injury. Tumanggap ng mga pangungutya noon si Serena dahil sa pangyayari.

Nakubra ni Serena ang titulo at muli ay pinagkukutya siya ng fans sa mismong kabuuan ng laro kung kaya’t napilitan ito na ‘di kailanman magbabalik na sa desert event.
Politics

'Tropang angat' De Lima, Robredo, Hontiveros, reunited sa isang kasalan!