PANIQUI, Tarlac – Opisyal na ibinalik sa tungkulin ng Commission on Elections (Comelec), sa bisa ng writ of execution, si Paniqui Mayor Miguel “Dors” Rivilla na tumapos sa election dispute ng alkalde sa Nationalist People’s Coalition (NPC) candidate na si Rommel David na sinasabing nagbigay tensiyon sa munisipalidad.

Ayon kay Atty. Emmanuel Ignacio, Comelec-Central Luzon assistant director, ang writ ay isinumite ng isang kinatawan sa Comelec national office sa Intramuros, Maynila nitong Lunes.

Sinabi naman ni Florida Dijan, director ng Department of Interior and Local Government (DILG)-Region 3, na nagkabisa ang kautusan matapos mabigong makakuha ng temporary restraining order si David sa Korte Suprema laban sa Comelec en banc resolution na nagpapawalang-bisa sa kanyang election case laban kay Rivilla.

Noong nakaraang taon, napatalsik sa puwesto si Rivilla nang magpalabas ang Tarlac Regional Trial Court Branch 67, sa pangunguna ni Judge Agapito Laoagan Jr., ng order na nagdedeklara kay David bilang nanalong alkalde noong 2013.

National

CHIZmis lang daw? Pagkalas sa liderato ni SP Chiz, itinanggi ng ilang senador

Gayunman, idineklara ng Comelec na “null and void” ang lahat ng court decision ni Laoagan sa election protest ni David.(Leandro Alborote at Mar Supnad)