Hiniling ni Jeane Catherine Napoles, anak ng umano’y pork barrel fund scam mastermind Janet Lim-Napoles, sa Court of Tax Appeals (CTA) na ikansela muna ang pagpapalabas ng warrant of arrest kaugnay ng kinakaharap na tax evasion case.

Bukod dito, pinapasuspinde rin ng nakababatang Napoles ang mga pagdinig sa kanyang kaso.

Ang nasabing apela ay nakapaloob sa isinampa nitong motion for judicial determination of probable cause na iniharap sa hukuman ng mga abogado nito.

Si Jeane ay nahaharap sa 2 counts ng paglabag sa National Internal Revenue Code (NIRC) nang hindi ito magbayad ng P17.887 milyon bilang basic tax deficiencies nito na kinabibilangan ng P17,461 milyong buwis noong 2011 para sa residential condominium nito sa California at aabot sa P426,866.67 na buwis nito para sa 2012 bilang isa sa co-owner ng dalawang farm nito sa Pangasinan 2012.
National

Padilla, Zubiri, pinaiimbestigahan status ng implementasyon ng amnesty proclamations ni PBBM