Mahigpit na ipinagbabawal ng Food and Drug Administration (FDA) sa mga pamilihan ang pagbebenta ng isang imported Vitamin E supplement.

Ayon kay FDA officer-in-charge, base sa FDA advisory No. 2015-007, kinukumpiska na ng kanilang Drug Regulation Officers ang lahat ng KIRKLAND Signature Vitamin E 400 I.U. Softgels na ibinibenta sa local drug establishments.

“Upon determination by the Food ang Drug Administration, the product is confirmed to be unregistered,” pagkumpirma ni Lutero.

Aniya, nakikipag-ugnayan na ang kanilang tanggapan sa local government units at law enforcement agencies upang tuluyang mapigilan ang bentahan ng nasabing produkto.

National

Amihan, easterlies, magpapaulan sa malaking bahagi ng PH

“All consumers are advised to purchase their medication only from FDA-licensed establishments” diin ni Lutero.

“Please note that product evaluation and registration is a measure that the government undertakes to ensure the safety and efficacy of health products. Please look for the FDA Registration number on the product label,” dagdag pa niya. - Samuel P. Medenilla