KAHIT busy sa taping ng Yagit, hindi nawawalan ng oras si Yasmien Kurdi para sa kanyang sarili at pamilya. Bukod sa sweet na Instagram posts niya para sa asawa, higit na kinainggitan ng marami ang selfie niya kasama ang sikat na si Ed Sheeran na nag-concert kamakailan sa SM Mall of Asia Arena.

Kung ang iba ay todo-hanap pa ng ticket makapunta lang sa concert, si Yasmien naman ay nag-enjoy sa kanyang up-close and personal meeting kasama si Ed Sheeran. Sa kanyang Instgram post, pinasalamatan ng aktres ang kanyang mga kaibigan na nagbigay sa kanya ng backstage pass.

Samantala, tuwang-tuwa rin ang aktres sa pagbuhos ng suporta ng viewers at netizens sa Yagit. Bukod sa positive social media comments ay consistent din sa pagiging top-rating ang serye.

“Ang sarap po ng feeling at nakakataba ng puso ang mainit na pagtanggap ng mga tao sa Yagit. Masayang masaya po ang buong cast at production dahil sa patuloy na dumadami ang mga sumusubaybay sa programa,” ani ng Starstruck alumna.

National

ALAMIN: Ano nga ba ang AKAP at sino ang mga benepisyaryo nito?

Dagdag pa ng aktres na gumaganap bilang Dolores sa serye, “Marami pang dapat abangan. Makaahon pa kaya si Dolores mula sa kahirapan? May pag-asa pa bang muling mabuo ang pagmamahalan nila ni Victor? At siyempre kung makakasama pa ni Dolores ang anak na si Elisa (Chlaui Malayao).”

Bilang pasasalamat ng Yagit, isang outreach event ang gagawin ng programa sa March 29 kasama ang ilang mga bata mula sa ChildHope Philippines. Makikisaya sa nasabing event ang ilang cast members tulad nina Renz Fernadez, Maricris Garcia, Ina Feleo, Kevin Santos, James Blanco at ang Yagit kids na sina Chlaui Malayao, Zymic Jaranilla, Judie dela Cruz, at Jemwell Ventinilla.

Mapapanood ang Yagit mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng The Half Sisters sa afternoon prime block ng GMA-7.