Mga laro sa Sabado: (MOA Arena)

1:30 p.m. -- Opening Ceremony

2:30 p.m. -- Cignal vs. Foton

4:30 p.m. -- Philips vs. Petron

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Dadayo ang Philippine Superliga (PSL), ang natatanging volleyball league club sa bansa, sa tatlong probinsiya bilang bahagi ng kanilang determinasyon na mapalawak ang balon ng talento ng mga manlalaro sa pagsasagawa ng All-Filipino Conference sa Laguna, Lucena at Cavite.

Sinabi ni PSL president Ramon “Tatz” Suzara na dadayuhin ng liga sa itinakda nilang “Spike On Tour” sa Abril 11 ang Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna bago magtungo sa Quezon Convention Center sa Lucena City para sa labanan sa eliminasyon.

Gaganapin naman sa unang pagkakataon sa isang probinsiya ang inaasahang hitik sa aksiyon at matira-matibay na semifinal round sa Mayo 16 sa pagtungo naman sa Imus, Cavite.

“Marami ang humihiling sa amin na isagawa sa kanilang lugar ang mga laban,” sinabi ni Suzara, na opisyal din ng pederasyon ng FIVB at Asian Volleyball Confederation. “We give priority muna doon sa naunang nagpasabi na sa atin and then isusunod natin iyong iba sa second conference o sa Grand Prix.”

Hindi pa man nagsisimula ay nakatuon na ang tagasuporta ng liga sa dalawang Fil-Am rookie na sina Iris Tolenada at Alexa Micek na agad na magkakatapat sa unang araw pa lamang ng torneo sa pagsagupa ng nagpalakas na Philips Gold at ang tinanghal na Grand Prix champion na Petron Blaze.

Tiniyak na magiging eksplosibo ang salpukan ng dalawang koponan na kinukonsiderang magtatagpo para sa titulo ng ikatlong edisyon ng Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Conference.

“Masasabi ko lang ay ibang klase maglaro ang aming top pick,” sinabi ni Philips Gold coach Francis Vicente.

“She can play all-around volleyball and mabilis siyang mag-set,” giit pa ni Vicente hinggil sa setter na mula San Francisco State University-Riverside na si Tolenada. “She also got a solid spike.”

Ang 6-foot-0 spiker na si Micek, na mula sa North Carolina State, ang nagpadagdag sa lakas naman ng Blaze Spikers na kinabibilangan din nina Dindin Santiago-Manabat, Rachel Ann Daquis at Abi Maraño.

“Hindi pa rin siguro namin masasabi na in the bag na agad,” pahayag ni Petron coach George Pascua.

“Magagaling ang mga coach dito sa Superliga at iba din kapag naglalaro na sa loob ng court, pantay-pantay na iyan at depende sa talino at pag-iisip ng player sa sitwasyon,” ayon pa kay Pascua.