Pinananatili ng credit watchdog na Fitch Ratings ang investment grade ng Pilipinas, tinukoy ang malakas na economic growth dahilan upang maungusan ng bansa ang mga kasabayan nito.

Sa isang pahayag, sinabi ng Fitch na pinananatili nito ang long-term, foreign currency rating ng Pilipinas sa BBB – habang ang rating ay nasa “stable” outlook, na nangangahulugan na malaki ang tsansa na mananatili itong pareho sa maikling panahon.

Inaasahan ng Fitch na lalago ang ekonomiya ng Pilipinas ng 6.3 porsiyento ngayong taon at 6.2 porsiyento sa susunod na taon, mas mabilis kaysa growth projections ng karamihan ng mga umuusbong na ekonomiya.

“Philippines’ 5-year [average] real GDP growth was estimated to be 6.3% at the end of 2014,which is far above the ‘BBB’ median of 3%,” saad sa huling ulat ng Fitch na inilabas noong Martes. - Maricel Burgonio

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso