Pinakamarami ang mga opisyal ng local government units (LGUs) at kagawad ng Philippine National Police (PNP) sa mga ahensiya ng pamahalaan na sinampahan ng kaso sa Office of the Ombudsman sa taong 2014.

Sa record ng Ombudsman’s Finance and Management Information Office (FMIO), may kabuuang 2,053 kaso ang naisampa sa mga opisyal ng LGU habang 1,258 kaso ang naisampa sa mga tauhan ng PNP.

National

Padilla, Zubiri, pinaiimbestigahan status ng implementasyon ng amnesty proclamations ni PBBM

Ang naisampang kaso sa LGU officials ay mababa pa rin noong 2014 kung ikukumpara sa naisampa sa kanilang kaso noong 2011 na umaabot sa 3,854 gayundin sa PNP na may naisampang 1,709 kaso noong 2011, mas mababa kaysa noong 2014.

Kabilang din sa mga ahensiya ng pamahalaan na may pinakamaraming kasong naisampa sa Ombudsman ay mula sa Local Water Utilities Administration (LWUA), pumangatlo sa 484 kaso, sinusundan ng Department of Transportation and Communications (DOTC) na may 103 kaso at Department of Public Works and Highways (DPWH) na mayroong 63.

Ang top 10 na may pinakamaraming asunto sa Ombudsman ay kinumpleto ng Armed Forces of the Philippines, Department of Education, Department of Environment and Natural Resources, Bureau of Customs at Department of Agrarian Reform.