Carl Guevara

SA lakas ng tawa ni Carl Guevarra nang tawagin namin siyang “adopted talent” ng TV5, ibig sabihin, tinatanggap niyang adopted nga siya ng network.

Walang kontrata sa network ang aktor, pero lagi siyang may show sa istasyon.

Ngayon nga, regular siyang napapanood sa Tropa Mo Ko Unli at suki sa Wattpad Presents. In fact, bida siya sa pilot episode ng Wattpad Presents Hearbreaker na airing this week (simula kahapon).

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kasama niya sa nakatutuwang episode si Donnaly Bartolome at Joseph Loyzaga, half-brother ni Diego Loyzaga na susubukan ang showbiz. Bago pa makantiyawan si Carl, inunahan na kaming hindi siya heartbreaker dahil in real life, siya ang iniiwan ng girlfriends.

Siguradong sina Daina Meneses at Kris Bernal ang tinutulkoy ni Carl, pero naka-move on na raw siya, kahit matagal at mahirap. Sa kaso ni Kris, tinulungan siya ng younger sister niyang makapag-move on dahil nakitang nahihirapan siya.

“Kahit nasaktan ako, wala akong regrets na minahal ko si Kris. Mabait siya at marami akong natutunan. Hindi lang talaga kami para sa isa’t isa, but we’re still friends, pero hindi na kami nagkikita at hindi ko na rin siya tini-text. Last time ko siyang tinext, New Year pa,” kuwento ni Carl.

Biniro namin si Carl na baka sinasabi lang niyang naka-get over na siya kay Kris, pero mababalitaan na lang ng press people nagkabalikan na sila.

“Hindi na, wala nang balikan pa. Totally naka-move on na ako sa kanya, tuldok na sa amin ang lahat. Hindi ako ang nagpapadala ng flowers sa kanya. Hindi ako naghahanap ng new love, enjoy ako being single. Focus ako sa work ngayon,” dagdag ni Carl.

Isa sa goals ni Carl ang pag-iipon para matupad na ang matagal nang dream na maregaluhan ng bagong bahay ang parents niya o ‘di kaya’y maipa-renovate ng bonggang-bongga ang kanilang bahay. Plano niya ito this year at mukhang matutupad. –Nitz Miralles