Sinamantala ng University of the Philippines (UP) ang mga pagkakamali ng University of Santo Tomas (UST) upang maitala ang 7-4 panalo at makopo ang twice-to-beat advantage sa semifinals ng UAAP Season 77 softball tournament sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Tumabla sa iskor na 3-3, isang RBI ang ikinasa ni Chanty Bongat na naghatid sa mga kakamping sina Sella Mendoza at Gelai Lenales sa home plate at nag-angat sa Lady Maroons sa two-run advantage.

Mula doon, hindi na sila lumingon pa upang maangkin ang No. 2 seed sa step-ladder semis.

Nakapanghihinayang naman ang naging kabiguan ng Tigresses na una nang nagtala ng 3-0 bentahe sa laro bago sila bumagsak sa fifth inning sanhi ng sunud- sunod na errors.

Eleksyon

Mayor Honey Lacuna, inisyuhan din ng show-cause order dahil sa umano’y vote-buying, ASR

Dahil sa panalo ay maghihintay na lamang ang UP sa mananalo sa pagitan ng UST at National University (NU), na inilampaso naman ang La Salle, 11-0, sa kanilang do-or-die playoff para sa huling semifinals berth at paglabanan ang karapatang harapin ang outright finalist at 5- peat seeking Adamson University na may bentaheng thrice-to-beat sa Finals matapos mawalis ang 12-game elimination na nagpalawig sa kanilang record na winning streak hanggang 60 games.