Ipinagdiriwang ngayon ng mga mamamayan ng Ireland ang kanilang National Day na gumugunita sa pagsapit ng Kristiyanidad sa kanilang bansa at ang pagpanaw ng kanilang patron na si Saint Patrick.

May paniniwala na gumamit ng shamrock, na isang halaman na may tatlong dahon sa isang tagdan, upang ipaliwanag ang konsepto ng Santisima Trinidad sa mga mamamayang Irish na hindi pa Kristiyano. Kaya, ang mga shamrock at ang “wearing of the green” ribbon ay mga simbolo ng selebrasyon ng St. Patrick’s Day na nagsimula pa noong ika-17 siglo.

Isang bank holiday ang St. Patrick’s Day sa Northern Ireland at pista opisyal sa Republic of Ireland. Ang St. Patrick’s Day Parade ay isa sa pangunahing tampok sa pista opisyal na umaakit ng libu-libong katao na nagmamartsa sa buong Dublin, ang kapital ng bansa. Ang iba pang tampok na pinakaaasam ngayong taon ay kinabibilangan ng pagbabalik sa National Day ng tanyag na programang pangkultura na “I Love My City”; Treasure Hunt na nagpapakita ng magaganda at makasaysayang lugar ng Ireland; at ang Big Day Out na nagtatampok ng street carnival, aerial shows, at mga konsiyerto.

Ang pinakamalaking selebrasyon sa labas ng Dublin ay idinaraos sa Downpatrick kung saan pinaniniwalaang nakalibing si St. Patrick. Noong kalagitnaan ng dekada 90, sinimulang gamitin ng Irish government ang St. Patrick’s Day upang itaguyod ang bansa at ang kultura nito sa buong mundo. Naging matagumpay ang kampanyang ito at umakit ng halos isang milyong panauhing banyaga. Ang St. Patrick’s Day ay isa ring pista opisyal sa Montserrat. Ssa Canada, sa United Kingdom (hindi kabilang ang Northern Ireland), Australia, at sa Amerika, Argentina, at New Zealand, laganap na ipinagdiriwang ito bunit hindi pista opisyal.

National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga

Binabati natin ang mga mamamayan at pamahalaan ng Republic of Ireland sa pangunguna nina Pangulong Michael D. Higgins at Prime Minister (Taoiseach) Enda Kenny, sa okasyon ng kanilang National Day.