Bibitbitin nina 2014 National MILO Marathon champion Rafael Poliquit, Jr. at Mary Joy Tabal ang bandila ng Pilipinas sa kanilang paglahok sa Asics 30th Los Angeles Marathon 2015 ngayong araw na sisimulan sa Dodger Stadium at matatapos sa panulukan ng Ocean Ave. at California Ave. sa Sta. Monica, Los Angeles, California.

Magkakasamang umalis Biyernes ng hapon sina Poliquit na mula sa Davao, Tabal na mula sa Cebu, at MILO sports executive Andrew Neri para sa bahagi ng insentibo ng dalawang runner na paglahok sa LA 42.195kilometer road race matapos tanghaling hari’t reyna ng NMM 2014 noong Disyembre 7 sa Pasay City.

Magsisilbing pagsasanay na rin ang karera para sa dalawa bilang mga pambato ng bansa kasama sina Eduardo Buenavista at Mary Grace delos Santos para sa paglahok sa 28th Southeast Asian Games sa Singapore sa darating na Hunyo 5-16.

Dapat sana ay sa Tokyo Marathon sa Japan noong Pebrero sila lalahok bilang bahagi ng kanilang premyo subalit sa abiso ng Philippine Track and Field Association (PTAFA) na mas makatutulong sa isang marathoner ang tumakbo lang ng marathon ng isang ulit kada tatlong buwan, nilipat ng Nestle Philippines, Inc. na sa LA Marathon na lang patakbuhin ang dalawa.

Probinsya

Centennial bust ni NA F. Sionil Jose, inilantad sa publiko

Matatandaang naging insentibo din noong isang taon nina Tabal at Buenavista ang paglahok sa Paris Marathon 2014 bilang 2013 NMM king and queen.

Ito ang ikatlong sunod na taon na mahigit sa 26,000 runners mula sa 50 states at mahigit sa 50 bansa ang kasali sa LA Marathon na pinakamalaki sa kasaysayan ng karera at naghilera na isa sa limang pinakamalalaking full-marathon sa US at isa 10 pinakamalaki sa buong mundo.