Sa lalawigan ng Rizal, matatapos na at pakikinabangan ang itinatayong Pililla Wind Power Project sa Barangay Halayhayin, Pililla, Rizal. Habang sinusulat ang kolum na ito, ayon kay Pililla, Rizal Mayor Leandro Masikip, umaabot na sa 10 wind turbine generator na ang naitayo. Kapag natapos na proyekto, magiging 27 sa kabuuan ang wind turbine generator. Matatagpuan sa mahigit na 100 ektaryang lupa na donasyon sa pamahalaang panlalawigan ng Rizal sa bahaging bulubundukin ng Sitio Mahabang Sapa, Barangay Halayhayin. Malakas ang hangin doon at natatanaw ang Laguna de Bay at ang mga bayan sa lalawigan ng Rizal na nasa tabi ng lawa.

Ang Pililla Wind Farm Power Project ay pinangangasiwaan ng Alternergy Wind One Corporation, isang kompanya na pinangungunahan ni dating Energy Secretary Vincent Perez. Sinimulan ang proyekto noong gobernador pa ng Rizal si Antipolo City Mayor Jun Ynares ipinagpapatuloy ngayon ng kanyang ina na si Rizal Governor Rebecca Nini Ynares. Ang wind farm power project ay binisita na kamakailan ni Gob Nini Ynares. Ang Pililla Wind Farm ay ang pangalawang wind power facility sa Pilipinas Higit na malaki kaysa wind farm sa Ilocos Norte. ng 27 wind turbine generator ay nakagrupo sa tatlong cluster na may kabuuang kapasidad na 67.5 megawatts (MW). Ang proyekto kapag nakompeto ay ikokonekta sa Malaya-Teresa 115 kilovolts (KV) transmitter line ng Meralco na 10 kilometro lamang ang layo mula sa kainaroroonan proyekto sa Pililla.

Ayon sa Alternergy, sa 75 porsiyentong pasilidad, ang wind farm ay inaasahang magbibigay ng mahigit 154 gigawatthours (GWh) kada taon base sa datos ng sukat ng lakas ng hangin na kinalap sa loob ng tatlong taon Ang konstruksiyon ng Pililla Wind Farm Power Project ay sinimulan noong 2013 at inasahang matatapos ngayong taon. Ang wind farm ay makatutulong sa supply ng kuryente sa Rizal at Metro Manila kapag magkakaroon ng mga rotational brownout. Bukod dito, makatutulong ito sa turismo sa Rizal lalo na sa bayan ng Pililla. Ang renewable energy project na ito sa lalawigan ng Rizal na pangalawag power facility sa bansa ay magbibigay ng malaking kontribusyon sa pangangalaga ng kapaligiran, sa progreso at kaunlarang pang-ekonomoiya ng lalawigan ng Rizal at mga karatig-lugar.
National

Paalala ng DOH: Maghinay-hinay sa pagkain ng matataba, matatamis at maaalat ngayong holidays!