Maaari nang tumanggap ng aplikasyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa issuance ng special permit na kakailanganin ng mga pampasaherong bus sa Metro Manila sa pagpasada sa lalawigan sa Semana Santa.
Ayon kay LTFRB Board Member Ronaldo Corpus, ang special permit ay epektibo sa Marso 29-Abril 6, 2015.
Ngunit nagpaalala si Corpus na hindi kasama sa pagkakalooban ng special permit ang mga pampasaherong bus na may mahigit 10 taon na mula sa araw na nagawa ang unit.
Aniya, tanging 25 porsiyento lang ng kabuuang awtorisadong mga unit ang maaaring pahintulutang bumiyahe sa labas ng Metro Manila.