Marso 14, 1879 nang isilang si Albert Einstein sa Ulm sa Germany. Bata pa lang si Einstein ay nakitaan na siya ng pagmamahal sa siyensiya.
Naranasan ni Einstein ang kanyang “miracle year” noong 1905, bilang isang patent clerk sa Bern, Switzerland, nang gawaran siya ng doctorate degree at mailathala ang apat na mahuhusay niyang research paper, isa na rito ang Special Theory of Relativity. Taong 1915 nang natapos niya ang kanyang General Theory of Relativity, at noong 1921 ay natanggap niya ang Nobel Prize in Physics.
Tumira siya sa United States at tuluyang tinalikuran ang pagiging German noong 1933, matapos maluklok si Adolf Hitler bilang German chancellor.
Nakagawa si Einstein ng mahigit 300 scientific paper at aabot naman sa 150 ang kanyang non-scientific works.
Namatay siya sa Princeton Hospital noong Abril 1955, matapos magkaroon ng internal bleeding dahil sa abdominal aortic aneurysm. Kinilala siyang “Person of the Century” ng TIME Magazine noong 1999.