Marso 13, 1781 nang madiskubre ng British astronomer na si William Herschel (1738-1822) ang Uranus matapos niyang mamataan ang isang “fuzzy disk that is too slow for a comet” gamit ang telescope. Hirap noon ang mga astronomer na matukoy ang eksaktong lokasyon nito.
Nais ni Herschel na makakita ng “double stars,” at pinagpalit-palit ang pagsipat sa kanyang telescope mula sa isang bagay patungo sa isa. Nang panahong iyon, tanging ang Mercury, Venus, Mars, Jupiter at Saturn ang alam nilang planeta bukod sa Earth.
Pinangalanan ni Herschel ang planeta ng “Georgium Sidus,” bilang pagkilala sa taong sumuporta sa kanya na si English King George III.
Ang Uranus ang unang planetang nadiskubre sa modernong panahon, at sa pamamagitan ng telescope. Binayaran si Herschel dahil sa pagkakadiskubre sa nasabing planeta.
Ito ang pangatlo sa pinakamalaking planeta sa solar system, na mayroong isang revolution ng 84 na taon. Binisita ng United States spacecraft Voyager 2 ang planeta noong Enero 1986.