Hindi nangangahulugan na magsusunuran ang mga kaalyado ni Pangulong Aquino sa pagkalas sa administrasyon ng nagbitiw na Akbayan party-list Rep. Walden Bello.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma Jr. na nananatili pa ring kaalyado ng Malacañang ang Akbayan party-list sa kabila ng pagbawi ng suporta ni Bello kay Pangulong Aquino.

Bunsod ng umano’y nangyayaring cover up sa madugong engkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao kung saan 44 police commando ang napatay, idineklara noong Miyerkules ni Bello na hindi na niya susuporta sa administrasyong Aquino.

“Ayon sa mismong mga kasamahan ni Rep. Bello sa Akbayan party list, ito ay personal na decision ni Rep. Walden Bello na ginagalang nila, ginagalang din naman natin,” pahayag ni Coloma.

National

Pagkaltas sa budget ng edukasyon at kalusugan, 'di magandang pamasko —Aquino

“Hindi naman ito nagpapahiwatig ng paghina ng pakikiisa ng Akbayan sapagkat patuloy naman silang naglilingkod sa pamahalaan,” giit ni Coloma.

“Patuloy pa rin nilang itinuturing ang kanilang pangkat o organisasyon bilang kaalyado ng pamahalaang Aquino,” dagdag ng opisyal.

Ani Coloma, wala ring dahilan upang magsagawa ng loyalty check ang admnistrasyong Aquino sa mga kaalyado nito sa Kongreso.

Itinuturing din ni Coloma na isang “internal matter” ang pagbibitiw ni Bello mula sa grupong Akbayan.