Nagsanib-puwersa ang De La Salle Philippines at James Hardie Philippines sa pagkukumpuni sa mga paaaralan na nawasak ng super typhoon ‘Yolanda’ sa Samar at Leyte noong Nobyembre 2013.

Ayon kay James Hardie Philippines Country Manager Mark Sergio, nakikipagtulungan ang kanilang kumpanya sa De La Salle sa rehabilitasyon ng mga paaralan na nawasak ng bagyong Yolanda upang maibalik ang normal na pamumuhay ng mga estudyante sa Eastern Visayas.

“When our team, together with De La Salle Philippines, visited the site, we saw that there were lots of work to be done,” pahayag ni Sergio.

“Almost everything had to be rebuilt from the ground up. But this did not discourage us. In fact, it strengthened our resolve,” dagdag ni Sergio.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang James Hardie company ay kilala sa buong mundo sa paggawa ng de-kalidad na fiber cement building product. Ito rin ang gumagawa ng Hardie-Flex, isang kilalang materyales na matibay laban sa anay at ulan.

Sa ilalim ng inisyatibong tinaguriang “Rebuilding the Future,” nanguna ang De La Salle sa pagtukoy sa mga lugar na maraming paaralan ang nasira ng super typhoon habang ang James Hardie company ang nagbibigay ng materyales na gagamitin sa pagkukumpuni ng mga istruktura.

Bukod dito, nagsasanay din ang James Hardie ng mga residente sa pagkakarpentero upang mapabilis ang pagkukumpuni sa mga nasirang paaralan.

“We helped by giving the locals carpentry workshops and by providing Hardie-Flex products for the schools,” ayon kay Sergio, “It is important to us that the people feel that they personally contributed to their community’s recovery.”

Pinasalamatan din ni DLSP President Bro. Jose Mari Jimenez ang James Hardie sa tulong na ipinagkaloob nito sa mga biktima ng kalamidad.