Ipinakikita na alagang-alaga ng gobyernong Aquino ang Philippine National Police (PNP) matapos magpalabas ng P2.83 bilyon pondo ang Department of Budget and Management (DBM) para sa pagsasaayos ng mga imprastruktura, pasilidad at kagamitan ng pulisya.

Ang nasabing pondo ay hinugot mula sa P22.47-bilyon Supplemental Appropriations para sa 2014.

Sakop naman nito ang implementasyon ng Operational Transformation Plan (OTP) ng PNP.

Ang OTP ay mangangailangan ng Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) na nagkakahalaga ng P142.6 milyon at Capital Outlay (CO) expenses na nagkakahalaga ng P2.69 bilyon.

SP Chiz, may paalala sa mga senador tungkol sa isyu ng impeachment

“We recognize that inclusive development would require a safe and secure environment where all Filipinos can benefit from the country’s economic growth. That’s why one of the priority projects funded by the 2014 Supplemental Budget was a program that would improve the capability of our country’s law-enforcement agency,” ayon kay Budget Secretary Florencio “Butch” Abad.

Gagamitin din ang pondo sa mobility, firearms, communication, investigation, ISO equipment at infrastructure facilities ng PNP.

Mula sa P2.8 bilyon, ang kalahati nito ay gagamitin sa pagbili ng 218,790 baril na nagkakahalaga ng P1.04 bilyon, at pagbili ng 945 sasakyan, na nagkakahalaga ng P944.5 milyon.

“Despite the challenges facing the PNP, the National Government fully supports the police force in fulfilling their mandate to prevent crime and maintain peace and order. In doing so, we place value not only on the PNP as an organization but also on the service and sacrifice of our valiant and fearless policemen,” ayon kay Abad.

Sa report ng Department of the Interior and Local Government (DILG), nakatanggap ang PNP ng total appropriation na P70 bilyon mula sa 2015 national budget.