LIVER PIX copy

Mga laro ngayon: (Ynares Sports Arena)

1 p.m. AMA vs. Liver Marin

3 p.m. Keramix vs. MP Hotel

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

Isang baguhang koponan at isang team na magpapakilala sa bagong pangalan ang nakatakdang magsimula sa kanilang kampanya ngayon sa pagsisimula ng season ending conference ng PBA Developmental League sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Sisimulan ng bagong miyembro na ATC-Liver Marin ang kanilang debut game kontra sa AMA sa ganap na ala-1:00 ng hapon bago sumunod ang Keramix, ang bagong pangalan ng Racal Motors, laban naman sa MP Hotel sa tampok na laban sa ganap na alas-3:00 ng hapon sa pagsisimula ng PBA D-League Foundation Cup.

Katambal ang NCAA team na San Sebastian College (SSC), ang Mixers ay gagabayan ng bagong head coach ng Stags, na isa ring dating manlalaro ng kolehiyo at tinaguriang “Slasher” noong aktibo pa ito sa PBA, na si Rodney Santos.

Makatutulong nito sa bench ang dating kapwa Ginebra San Miguel guard at tinagurian namang “The Flash” na si Bal David at isa pang dati nilang kakampi na produkto rin ng Stags na si Banjo Calpito.

Dahil ka-tie-up ng Stags, pangungunahan ang koponan ng anim na manlalaro at core ng koponan na sina Bryan Guinto, Jamil Ortuoste, Bobby Balucanag, Jerick Fabian, Jeff Santos at Mike Calisaan kasama ang mga dati ring Stags na sina Leo de Vera at Jovit dela Cruz.

Halos hindi naman nabago ang dating roster ng Racal na naghahangad na makapagtala ng mas mataas na pagtatapos mula sa 3-8 (win-loss) sa una nilang conference sa liga sa nakaraang Aspirants Cup.

Nagdagdag ng tatlong bagong manlalaro si coach Caloy Garcia sa katauhan nina NCAA Season 90 Most Improved Player at Sinag Pilipinas national training pool member Jiovanni Jalalon ng Arellano University (AU) at College of St. Benilde (CSB) cagers na sina Robert Bartolo at Luis Sinco.

Sila ang makakasama ng holdovers ng team na kinabibilangan nina Jeff Viernes, Ford Ruaya, Keith Agovida, Raymund Jamito, Jason Ibay, Jessie Saitanan at Jamil Gabawan.

At dahil wala pa ring lehitimong sentro, ayon kay Garcia, ay sisikapin nilang mapunan ito sa pamamagitan ng bilis at liksi sa pangunguna ng mahuhusay na playmakers at wingmen sa kanilang roster.

Inaasahan ni Garcia na sa kanilang unang laban kung saan ay makakatapat nila ang MP Hotel Warriors na ngayo’y ka-tie-up na ng kanyang dating team sa NCAA na Letran.

Para naman sa panig ng Titans, muling sasandigan ni coach Mark Herrera upang mamuno sa kanilang kampanya ang dating NCAA standouts na sina Jay-R Taganas at Joseph Eriobu, kasama ang mga beteranong sina James Martinez at Marcy Arellano.

Samantala, bukod sa apat na koponan na nabanggit, ang iba pang team na sasabak sa Foundation Cup ay ang nakaraang Aspirants’ Cup champion Hapee, runner-up Cagayan, Cebuana Lhuillier na kamakailan lamang ay nakuha ang serbisyo ng Fil-Tongan na si Moala Taotuaa, Tanduay Light, Cafe France at Jumbo Plastic.