Iniulat ng Bureau of Immigration (BI) ang makasaysayang nakamit ng kawanihan matapos maitala ang pinakamataas na koleksiyon ng kita noong taong 2014, simula nang maitatag ang bureau noong 1940.

Ayon kay BI Commissioner Siegfred Mison, ang P3.022-bilyon kita noong nakaraang taon ay mula sa “mataas at mas propesyonal na mga kawani“.

Ang nasabing halaga ay hindi hamak na mas mataas kumpara sa P2.985-bilyon nakolekta noong 2013.

“We will always be thankful to our Secretary of Justice, the Secretary of Budget and Management, and the President, for hearing out our need for additional personnel,” pahayag ni Mison. - Mina Navarro
National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras