Bilang pagbabalik-tanaw sa nakaraang isyu ng ating paksa tungkol sa mga bagay na maaaring magdulot ng wakas sa daigdig ayon sa mga siyentista, nadagdagan ang ating listahan ng tatlo pa: (1) Virus, kabilang ang SARS (severe acute respiratory syndrome), bird flu, ang coronavirus na tinatawag na MERS at siyempre hindi mawawala ang HIV-AIDS; (2) Virus na gawa ng tao – ang H5N1 na naisasalin sa mga hayop at sa hangin na maaaring kumalat sa mga tao sa buong daigdig; at ang (3) Fungus na kung hindi malulunasan, maaaring mahawahan ang napakaraming tao na mauuwi sa kamatayan.

Ipagpatuloy natin...

  • Digmaang nuclear – Maraming siyentista ang nangangamba pa rin sa banta ng pandaigdigang digmaang nuclear na maaaring maging katapusan na ng lahat ng buhay sa daigdig. Higit pa sa pagsisikap ng North Krean leader na si Kim Jong Un sa paligsahan sa armas nuclear at paglilihim ng Iran sa larangang ito, lilikha ng napakalaking pagkasira kapag napunta sa maling mga kamay ang bultu-bultong mga nuclear weapon sa buong daigdig. Noong nakaraang taon, binago ng Bulletin of the Atomic Scientists – isang magazine tungkol sa pandaigdigang seguridad na itinatag noong 1945 – ang Doomsday Clock sa menos singko para maghatinggabi. Ipinakikita ng Doomsday Clock kung gaano kalapit ang sangkatauhan sa kamatayan sa pamamagitan ng nuclear o biological weapons o climate change.
  • National

    Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga

  • Sobra-sobrang populasyon – Ang pangamba ng sobrang laking populasyon sa lahat ng dako ng daigdig ay nagsimula noong pang ika-18 siglo, nang pag-aralan ni Thomas Malthus ang population growth ay magdudulot ng malawakang gutom at pagkasira ng kalikasan ng planetang ito. Sa harap ng pitong bilyong populasyon ng daigdig ngayon (at nadadagdagan pa kada segundo), iniisip ng mga conservationist na ang sobra-sobrang populasyon ay isang malaking banta sa daigdig at malamang magpatayan na bunga ng pag-aagawan sa pagkain, tubig, hangin, at espasyo.

Wakas