Isang tao ang nasawi at 70 iba pa ang naospital mula sa tatlong barangay na tinamaan ng amoebiasis sa Minalabac, Camarines Sur.

Ito ang ibinunyag ni Minalabac Vice Mayor Pedro Binamira sa pagsusuri sa mga biktima mula sa mga barangay ng Salinggugon, Bagolatao at Hamoraon sa Minalabac.

Ayon sa bise alkalde, karamihan sa nagkasakit ay bata at sa huling tala ay isang tatlong taong gulang ang namatay na sa sakit.

Nilagnat umano ang mga biktima, na ilang araw din na nanakit ang tiyan. Ilan sa kanila ang isinugod pa sa ospital.

National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’

May hinala ang mga residente na ang iniinom nilang tubig sa lugar ang pinagmulan ng sakit.

Ang amoebiasis ay nakukuha sa kontaminadong tubig at pagkain.