Ni sa hinagap ay hindi pumasok sa isipan ni Ateneo de Manila men’s volleyball team setter Esmilzo “Ish” Polvorosa na siya ang tatanghaling Finals Most Valuable Player ng katatapos na UAAP Season 77 men’s volleyball tournament kung saan nakamit ng kanilang koponan ang unang titulo para sa Blue Eagles sa liga.

Ang Season 77 Best Setter ay siyang nanguna sa pamamagitan ng kanyang matalinong set plays para sa kanilang mga spikers partikular ang Season at back-to-bach MVP na si Marck Espejo para mapabagsak ang dating kampeong National University sa pamamagitan ng 2-game swep ng finals series.

“Siya ang Finals MVP ko,” pahayag ni Ateneo coach Oliver Almadro tungkol sa kanyang sophomore AB Euro Studies student setter. “Kanina, nag-struggle kami, and I just embraced him, whispered something to him.”

“(I told him) ang laki ng tiwala ko sa’yo, so keep the intelligence, keep the teamwork and initiative. Bubukas ‘yan,” ayon pa kay Almadro.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

Sa kabuuan ng finals series ay nagtala ang 6-footer at tubong Imus, Cavite na si Polvorosa ng average na 46.5 excellent set.

Hindi binigo ni Polvorosa ang tiwalang ibinigay sa kanya ng kanyang coach sampu ng kanyang mga kakampi.

“Nakinig s’ya kanina,” ani Almadro. “’Yun ang pinaka-importante sa lahat sa player. Kahit sinong magaling na player, basta nakikinig, hindi nagkakamali.”

Gayunman, sadyang mapag-kumbaba, hindi pa rin makapaniwala si Polvorosa sa karangalang natanggap nito.

“Not at all, kasi as a setter, very dependent ang mga setters sa mga rumi-receive na teammates. So kung wala sila, hindi naman magki-click ‘yung sets ko, hindi rin makaka-points ‘yung spikers ko, so hindi ko rin talaga ine-expect,” ani Polvorosa.

Ngunit gaya ng kanyang mga kakampi, labis dina nng tuwang nararamdaman ni Polvorosa sa kanilang pagkapanalo.

“Super happy ako kasi po, pinaghirapan po talaga namin,” anito. “After we lost last season, after a week lang ‘ata, we trained agad, so ayun, nag pay-off naman.”

Kapwa may tig-tatlo pang taon ng pagalalaro para sa Ateneo sa UAAP, inaasahan ng magiging contender pa rin ang Atreneo sa mga susunod na taon sa men’s volleyball sa UAAP at posible pang makapagsimula ng sarili nilang dynasty sa liga.