Magtatagisan ng galing ang mga atleta sa larong track and field sa nakatakdang pag-aagawan sa mga silya sa pambansang koponan gayundin sa delegasyon sa 28th Southeast Asian Games sa gaganapin na 2015 Philippine National Open Invitational Athletics Championships simula Marso 19 hanggang 22 sa San Luis Sports Complex sa Laguna.

Ibinabalik ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) matapos na mawala sa nakalipas na limang taon, inaasahang magkakasubukan ang mga miyembro ng pambansang koponan at libong papaangat na atleta sa bansa pati na rin sa mga inimbitahang atleta mula sa kalapit na bansa ng Pilipinas.

“We expect a lot of national records to be broken,” sabi ni Edward Kho, PATAFA media and marketing head sa isinagawang komperensiya sa Conti’s Restaurant sa Greenbelt 2.

Anim na bansa na ang nagkumpirma ng kanilang paglahok na pinangungunahan mismo ng 28th SEA Games host Singapore, India, Guam, Malaysia, Bangladesh at Thailand.

National

PBBM sa 'death threats' ni VP Sara sa kaniya: 'Yan ay aking papalagan!'

Tampok din sa torneo ang mga atleta mula sa China, Chinese Taipei, South Korea, Hong Kong, Brunei, Vietnam, Indonesia, Myanmar at ang host na Pilipinas na gagamitin din ang torneo bilang huling tryout para sa nagnanais na makasali sa kada dalawang taon na SEA Games.

Kumpirmado rin ang paglahok ng two-time Olympian na si Marestella Torres at karibal nito na si Kathlyn Santos pati na rin ang mga nakabase sa labas ng bansa na mga Fil-foreigners na tangkang makaagaw ng puwesto sa isinumiteng listahan ng mga lalahok na tracksters sa SEA Games.

Magbibigay naman ng special awards ang nag-oorganisang PATAFA para sa mga natatanging magpapakita ng husay sa torneo tulad ng Most Valuable Player, Most number of gold won, fastest men at women, Man of Steel, Iron Maiden at Powerhouse Team.