Pinaigting pa ng Quezon City government ang pagpapatupad sa Clean Water Act sa lungsod.

Hindi lang ang mga pabrika ang susuriin ng pamahalaang lungsod kundi target ding busisiin ang operasyon ng mga rehistradong punerarya lalo na ang mga nag-eembalsamo.

Sisiyasatin din kung tinutupad ng mga establisimyento ang RA 9275 (Clean Water Act), partikular ang paggamit ng water treatment facility upang matiyak na napangangalagaan ang kapaligiran laban sa mga nakalalasong kemikal.

Sa kasalukuyan, nagtutulungan ang City Health Department, Business Permit and Licensing Office (BPLO), Department of Health (DoH), Laguna Lake Development Authority (LLDA) at Civil Registry Department upang busisiin ang mga punerarya kung may kaukulang sanitary permit ang mga ito.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Partikular na target ng naturang grupo ang mga funeral parlor na may embalming area.

Sinasabing ang mga funeral parlor ay posibleng pagmulan ng kontaminadong tubig dahil pinanggagalingan ang mga ito ng dugo at iba pang cadaver waste na karaniwang itinatapon lamang sa kanal.