Gabby Eigenmann

KINAKABAHAN si Gabby Eigenmann sa pagbabalik niya sa kontrabida role, sa Pari Koy na pinagbibidahan ng best friend at kapatid niya sa PPL Entertainment na si Dingdong Dantes.

Matatandaan na bago itong bagong primetime drama series ng GMA-7, binigyan si Gabby ng starring role sa afternoon prime na Dading na gumanap siya bilang mabait na beki.

“Aaminin ko, nang ibigay sa akin ang Dading, may nerbiyos ako,” sabi ni Gabby.  “Para kasi sa akin, napakalaki ng role.  Pero nakakatuwa dahil kahit sa afternoon slot iyon, naging successful ito, minahal ng televiewers ang character kong beki.  Kahit hanggang ngayon, kapag nakikita ako ng mga tao, ang tawag pa rin sa akin, Dading.  Alam ba ninyong pagkatapos ng Dading, tinanong ko rin ang sarili ko kung ano ang susunod na ibibigay na project sa akin ng GMA-7.  Isa ba ulit big role o so-so project na lang ang gagawin ko?”

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Hindi siya tumanggi nang bigyan siya ng guest role bilang mabait na pari na guidance counsellor sa Once Upon A Kiss.

“Nakilala naman ako ng GMA-7 na kahit anong role tinatanggap ko, kasi ang nasa isip ko, basta may project ako, okey lang. Naniniwala rin ako na ang isang artista ay may time na dapat maghilamos o magkaroon ng bagong role, after ng kanyang last. Ayaw kong makalimutan ng mga tao ang role ko sa Dading kaya ditto sa Pari Koy na gaganap ako muling isang kontrabida kay Dingdong, natatakot ako.”

Mahusay siyang actor, ano ang ikatatakot niya, e, nakatanggap na nga siya ng acting award sa pagiging kontrabida?

“Yes, marami na naman kasing magagalit sa akin, biro mo isang pari pa ang wawalanghiyain ko,” natatawang kuwento ni Gabby.  “Huli pa naming show ni Dingdong, ang Endless Love, pero ang inapi-api ko sa story, si Marian Rivera.  Ang daming nagalit sa akin sa pagiging kontrabida ko doon kaya alam ba ninyong hindi ako nakakasali sa GMA Pinoy TV shows sa abroad dahil ayaw daw ng mga fans, galit sila sa akin.

“Pero ngayon, naniniwala akong hindi na magagalit sa akin ang mga fans nina Dingdong at Marian, nagbago na rin sila, nag-mature na sila at saka napatunayan ko naman sa kanila na isa akong artist, hindi isang celebrity, na gagampanan ko kahit anong role na ibigay nila sa akin.”