ILOILO CITY – Inaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 6 ang anim na miyembro ng isang fraternity dahil sa pagbebenta umano ng P348,000 halaga ng shabu sa Iloilo City.

Kinilala ni PDEA-6 Regional Director Paul Ledesma ang mga nadakip na sina Kirvy, Roven at Zunvold Gomez, magkakapatid; Christian Buivan, Jason Vergel, Charles Anthony Deduyo at April Rose Deduyo.

Sa nasabing buy-bust operation nitong Marso 5 ay nadiskubre rin ang isang drug den sa loob ng compound na kinatatayuan ng fraternity house ng Tau Gamma Phi-Aguinaldo Chapter.

Sinabi ni Ledesma na ito na ang ikalawang beses na nahuli ng PDEA-6 ang mga miyembro ng Tau Gauma Phi-Aguinaldo.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Noong Disyembre 2014 ay dinakip ng PDEA-6 ang fraternity leader na si Douglas Evidente, anak ng isang retiradong pulis, at nakumpiskahan ng 100 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P600,000.