“Siguraduhing hindi pagkakitaan ang power outages.”

Ito ang binigyan-diin ni Bayan Rep. Teddy Casiño sa lingguhang Fernandina Forum sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan City.

Ayon kay Rep. Casiño, dapat umaksiyon ang Department of Energy (DoE) gayundin ang Energy Regulatory Commission (ERC) upang maitaguyod ang paghahandang inilatag sa pagtiyak na may sapat na supply ng kuryente sa pamamagitan nang pagsunod sa supply contract ng power generators at distributors, at aandar sa maximum capacity ang mga planta, kapag nagkaroon ng maintainance shutdown, partikular na ang Malampaya gas.

“Hindi na kailangan ang emergency power ng Pangulong Aquino kapag naitaguyod nang maayos ang mga paghahanda,” paliwanag ni Casiño.
Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon