Mga laro ngayon: (MOA Arena)

2 pm Ateneo vs. NU (m)

4 pm La Salle vs. NU (w)

Makumpleto ang isang malaking upset at makamit ang tinatarget na unang pagtuntong sa finals sa women’s division ang tatangkain ng third seed na National University (NU) sa muli nilang pagtutuos ng second seed na La Salle sa pagpapatuloy ng stepladder semifinals sa UAAP Season 78 volleyball tournament sa MOA Arena sa Pasay City.

National

‘Ikaw unang nang-iwan!’ PBBM, ‘gina-gaslight’ si VP Sara – Harry Roque

Binura ng Lady Bulldogs ang twice-to-beat edge ng Lady Spikers at humirit ng isang winner-take-all match sa pamamagitan ng straight sets win noong nakaraang Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum, 25-20, 25-20, 25-19.

Ang depensa sa net at kabuuang team effort sa bisa ng motibasyon na ginawa sa kanila ng coaching staff, sa pangunguna ng head mentor na si Roger Gorayeb, ang naging susi sa nasabing panalo at sa naging malaking pag-angat sa laro ng NU.

“Hindi naman kailangang pumuntos ng malaki, ang mahalaga kapag ipinasok ka sa loob ay dapat ay makatulong ka at mayroon kang magawa, ‘yun lang naman ang sinasabi ko sa kanila,” pahayag ni Gorayeb.

Nakita naman ang nasabing team effort matapos makakuha ng Lady Bulldogs ng tig-13 puntos kina Jaja Santiago at Myla Pablo, 11 puntos kay Jorelle Singh at 10 puntos kay Rizza Mandapat na mayroon ding 4 na digs, 15 reception at 5 digs kay Fatima General at 5 blocks at 2 aces kay skipper Desiree Dadang.

Ito ang muling aasahan ni Gorayeb na maipakita ng kanyang mga player para makumpleto ang upset.

“Nandito na kami kaya sisikapin naming hindi naman masayang ‘yung pagkakataon. But gaya nga ng sinabi ko, whatever happens, I’m proud of my players,” ani Gorayeb.

Sa kabilang dako, tiyak naman na gagawin ng Lady Spikers ang lahat para makabawi at matupad ang asam na ikatlong sunod na pagtutuos nila sa finals ng Lady Eagles.

Sinasabing kinalawang sa matagal na bakante bago sumalang sa aktuwal na laro noong Miyerkules, umaasa ang mga taga-suporta ng La Salle na makabawi ang mga ito sa pangunguna nina Ara Galang, Mika Reyes, Cyd Demecillo at Kim Fajardo.

Samantala, Una rito, tatangkain naman ng Ateneo na makopo na ang unang titulo sa liga sa muli nilang paghaharap ng defending champion National University (NU) sa Game Two ng men’s finals.

Nakauna ang Blue Eagles sa serye, sa pamumuno ni reigning MVP Marck Espejo, sa pamamagitan ng 25-19, 30-28, 20-25, 25-22 sa Game One.

“Hope we can execute well at mapigilan namin si Peter Torres,” pahayag ni Blue Eagles coach Oliver Almadro.

“Sana gumana ‘yung blocking naming, ‘yun ang nawala sa amin sa Game One. At makahanap kami ng way to limit Marck Espejo,” ayon naman kay NU coach Dante Alinsunurin na tinutukoy ang itinalang season high na 31 puntos ni Espejo.