Sa palitang naganap sa pagitan ni Senador Alan Peter Cayetano at sa barkadahang Teresita Deles, Miriam Coronel-Ferrer, at Mohaqer Igbal sa hearing patungkol sa Mamasapano, ang aming buong tahanan pumalakpak sa una.

Habang sa ibang banda, nakakalungkot ang naging reaksyon ni ARMM Governor Mujib Hataman na porke pinasaringan ni Cayetano ang MILF bilang teroristang grupo, damay daw siya bilang isang Moro pati mga taga-suporta ng Senador sa ARMM. Siyempre pa, may koro agad sa Katimugang Mindanao na agad bumatikos kay Cayetano, at sabay pakulo (larawan) na lumabas sa mga pahayagan na ang mga “Muslim hindi terorista”. Maitanong nga, ang sinipat ni Cayetano ang frente ng MILF, hindi ang mga Moro. At hindi rin ang kapatirang Muslim.

Kaya bakit nagpamalas ng sama ng loob si Hataman? Na parang pinipersonal niya ang turing? Hindi naman siya kasapi ng MILF. Huwag na kasi tayong lahat magbulag-bulagan. Kahit ipagsigawan pa natin na hindi teroristang grupo ang MILF, subalit kung namumugot ng ulo at ari; katawan ng mga sundalo ginagawang litson sa kawayan, at nagpapasabog ng bomba na ang puntirya mga sibilyan hal. madre at bata sa mga matataong lugar, hindi ba asal ng terorista yan! Wala akong paki-alam kung MILF pa yan, BIFF o kahit Christian Liberation Front, basta ang tinuran ng grupo ay ang mga nabanggit, tumapak lang na ibansag sa ganitong grupo ay “terorista”.

Para magising ang sambayanan, saliksikin ninyo sa Google lahat ng pambobombang ginawa sa deka-dekada ng MILF. Pati si dating Kalihim ng DILG Rafael Alunan naglabas din ng kanyang “Intel Report” tungkol sa MILF: 1) Noong 1995 kausap niya ang Pakistan Prime Minster Benazir Bhutto at kanyang katapat sa nasabing bansa, inamin ng mga ito batay sa sensitibong impormasyon na si MILF Chair Hashim Salamat may direktang ugnayan kay Osama Bin Laden 2) May mga dayuhang nagtuturo sa mga Kampo ng MILF mula Jemaah Islamiyah at Al Qaeda 3) Pagawaan ng baril 4) Pagpapalakas ng pwersa 5) Nag-recruit ng mga alagad mula Pilipinas, OFW’s sa Gitang Silangan at mga iskolar sa Islam sa Saudi at Egypt at ipadala sa Islamabad para sa karagdagang pag-aaral. Tapos sa mga Madrassah sa Peshawar para “military training”; dadaan sa Khyber Pass sa Afghanistan upang makatikim ng labanan; tsaka smuggle pabalik mula Sabah Malaysia papasok sa Katimugang Mindanao.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists