CAMILING, Tarlac - Isang lalaki, na sinasabing may kapansanan sa pag-iisip, ang iniulat na nangisay at namatay sa loob ng comfort room matapos umanong ubusin ang isang bote ng alak sa Barangay Palimbo Caarosipan sa Camiling, Tarlac, kamakalawa ng gabi.

Ang namatay ay si Christopher Nicolas, 26, may asawa, ng nasabing barangay.

Sinabi naman ng 26-anyos na live-in partner ni Nicolas na pinagbawalan na ng mga doktor ang huli na uminom ng alak subalit ipinipilit pa rin nito ang paglalasing.

Tumanggi ang mga kamag-anak ni Nicolas na isailalim sa awtopsiya ang kanyang labi.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20