Alonzo Muhlach

NAKATSIKAHAN namin sa pocket presscon nina Alex Gonzaga atAlonzo Muhlach ang bagong business unit head ng Dreamscape Entertainment na si Mr. Rondel Lindayag na hangang-hanga sa anak ni Niño Muhlach dahil napaka-professional kahit musmos pa.

“Nakakatuwa ang batang ‘yan kasi napaka-professional, nagagalit kapag nabago ‘yung sequence guide,” kuwento ni Rondel. “Kasi ‘yung ibinigay sa kanyang script, sinasaulo niya kaya pagdating niya sa set, memorized na niya, eh, kung minsan nababago ang sequence guide, biglang sasabihin niya hindi niya kaya, ‘Direk, (Malu Sevilla) I can’t do that..”

At ang maganda raw ay tinuturuan ni Niño ang anak na maging marespeto sa lahat at hindi ito pinilit na mag-artista para hindi sila magkaroon ng isyu pagdating ng araw.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

May topak ba si Alonzo?

“Ay, wala, mabait na bata, madaldal, basta kung ano ‘yung sinabi mong isasaulo niya, gagawin niya, hindi puwedeng maiba.”

Sa pelikulang Inday Bote ni Maricel Soriano ay wala ang karakter ni Alonzo bilang si Intoy.

“‘Dinagdag namin kasi para totally maiba sa Inday Bote ni Maria, kasi hindi mo naman puwedeng pantayan ‘yun kasi icon na ‘yun, kawawa naman si Alex kapag ikinumpara mo. May sarili naman siyang (Alex) istilo kaya nga hindi namin pinanoood ang Inday Bote ni Maria para hindi magaya or magkaroon ng comparison,” paliwanag ni Rondel sa amin ni Bossing DMB.

Tawa rin kami nang tawa na ang dating pitong duwende sa Inday Bote,“ginawa ko na lang apat kasi mahal at mahirap. Sinabi naman namin kay Tito Pablo (Santiago, ang sumulat sa komiks, noong nabubuhay pa) na babawasan namin ang duwende kasi ang hirap i-shoot, akala ko nu’ng una madali lang, nu’ng ginagawa na namin, ang hirap-hirap pala kasi magkakaibang anggulo,” kuwento pa ng TV executive.

Tuwang-tuwa ang Dreamscape Team kay Alex dahil napakasipag, maayos katrabaho at sobrang komedyante.

Kaya ang sabi ni Rondel na tumatawa, “Sana ganyan lang siya, huwag siya magbago, nakakatuwa, kasi kapag napagod ‘yan, baka magtaray na,” tumatawagng kuwento niya.

Marami talaga kaming kakilala na ang galing-galing na artista pero nabago nang matambakan na ng trabaho at hindi na malaman kung saan na napunta.

Wala pang petsa kung kailan ipalalabas ang Inday Bote ni Alex Gonzaga kasama sina Matteo Guidicelli at Kean Cipreano dahil ipi-preview pa lang daw ito ng ABS-CBN management ngayong linggo.