COTABATO CITY – Habang unti-unting naglalaho ang usok mula sa baril sa Pikit, North Cotabato, inihayag ng embahada ng Japan na magtatayo ito ng dalawang “school of peace” sa lugar upang mabigyan ng modernong edukasyon ang mahihirap na mag-aaral na madalas na naaapektuhan ng mga paglalaban.

Sa isang pahayag, sinabi ni Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhide Ishikawa na naglaan ang gobyerno ng Japan ng P2.5 milyon para sa agarang pagtatayo ng mga gusali para sa mga mag-aaral ng Datu Bitol Mangansakan Memorial High School at Mapagkaya Primary School sa Pikit.

Ayon sa gobyerno, may 1,982 pamilya o 10,664 na katao ang lumikas mula sa anim na barangay sa Pikit sa kasagsagan ng paglalaban ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) dahil sa pag-aagawan ng teritoryo.

Mahigit 2,000 sa mga apektadong residente ay pawang mag-aaral, ayon kay North Cotabato Gov. Emmylou Taliño-Mendoza. - Ali G. Macabalang

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands