chairman-tolentino-jennylyn-at-derek-copy

MASAYANG-MALUNGKOT ang 40th Metro Manila Film Festival appreciation dinner at ang launch ng 41st Metro Manila Film Festival (MMFF) noong Huwebes, February 26.

Masaya dahil ginanap na ang event sa bagong tayong MMFF Cinema na katapat lamang ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) building sa Guadalupe, Makati City. Noontime bago ang event, isinagawa ang ribbon-cutting at inauguration ng building with Ms. Susan Roces and MMDA and MMFF Chairman Francis Tolentino.

Malungkot, dahil magbibitiw na si Chairman Francis sa kanyang katungkulan, para paghandaan ang muli niyang pagpasok sa pulitika para sa national elections sa May, 2016. Sa kanyang opening remarks nagpaalam na siya at nagpasalamat sa lahat ng mga taong sumuporta sa kanya sa limang taon niyang panunungkulan sa MMFF.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

“Masaya ako sa honor at sa kaalaman na ang mga kinita ng MMFF ay tumataas taun- taon,” pahayag ni Chairman Francis. “Naniniwala akong sa taong ito ng festival, mas maraming magagandang pelikula ang ilalahok para mas malaki ang kitain para matulungan ang ating mga beneficiaries. Sisimulan natin ang festival sa taong ito sa pamamagitan ng Summer Student Film Festival at umaasa akong ang mga students natin ay magpapadala ng kanilang entries. Bukas ito para sa Student short film at Cinephone categories.”

Ang Student Short Film category ay bukas para sa student filmmakers mula sa local colleges and universities, may maximum na 20 minutes running time at dapat ay ginawa between 2014 at 2015. Sa April 17 ang deadline ng submission. Ang Cinephone naman ay nationwide cellphone movie-making contest para sa high school at college students. Ang Video length ay three minutes lamang at may specific theme dapat. Deadline din sa April 17 at 60 videos ang pipiliing finalists.

Sa April 22 ang announcement ng finalists para sa Cinephone at sa April 24 para sa student shorts. Ang screening ay mula April 24 to May 1. Sa May 4 ang announcement ng winners na gaganapin sa MMFF Theater. Ang mananalong Best Picture sa Students Shorts ay tatanggap ng P50,000 at P25,000 naman sa Special Jury prize winner. Anim naman ang mananalo ng P25,000 each sa anim na mapipili sa Cinephone competition.

At ang huling accomplishment na maiiwanan ni Chairman Francis ay ang bagong 4-storey MMFF Cinema building na hindi na ipinatayo para hindi na mahirapang mag-review kapag may mga pelikulang dapat panoorin, lalo na ang mga pelikulang ilalahok sa MMFF tuwing December na iri-review ng screening committee at jurors ng final eight entries ng festival sa MMFF Theater sa fourth floor.

Ang highlight ng event ay ang awarding ng cash incentives sa mga nanalo noong nakaraang awards night ng MMFF last December 27 at ang signing ng Memorandum of Agreement (MOA) sa Natuional Youth Commission at sa Philippine Association of Communication Educators, Inc. na susuporta sa Summer Student Film Festival.

Tumanggap ng cash incentives ang mga nanalo sa Cinephone, New Wave, Animation, Student Short Films at sa mainstream movies. Ilan sa mga personal na tumanggap ng kanilang mga cash incentives sa New Wave category sina Director Zig Dulay, Best Actor Allen Dizon, Best Supporting Actress Gloria Sevilla.

Sa mainstream, personal namang tinanggap ni Ryzza Mae Dizon ang kanyang Best Child Performer award for My Big Bossing, Best Supporting Actress Lotlot de Leon for Kubot: The Aswang Chronicles 2, Best Director Dan Gonzales, Best Actress Jennylyn Mercado at Best Actor Derek Ramsay for English Only, Please.

Personal ding tinanggap ng producers ng Best Pictures na Bonifacio, Kubot: The Aswang Chronicles 2 at English Only, Please ang kanilang cash incentives. Ang Bonifacio ang tumanggap ng pinakamaraming cash incentives dahil bukod sa Best Picture, sila rin ang nanalo ng FPJ Memorial Award for Excellence at Gatpuno Antonio Villegas Cultural Award.

Nag-sorry si Jennylyn Mercado bago siya nagbigay ng song number na nahuli siya dahil “matrapik sa Edsa,” ang famous line niya sa English Only, Please.

Ang beneficiaries ng 40th MMFF ay ang MOWELFUND, Film Academy of the Philippines (FAP), Optical Media Board (OMB), Anti-Film Piracy Council (AFPC) at ang Film Development Council of the Philippines (FDCP).