Higit na pinadali ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pagbibigay-serbisyo sa mga Pilipino sa ibayong dagat, partikular ang mga overseas Filpino worker (OFW).

Ito ay matapos buksan ng PhilHealth ang online portal na rito maaaring kumuha ng impormasyon ang mga OFW tungkol sa national health insurance program o NHIP.

“OFWs may now access a one-stop online portal to get the latest updates, advisories, features and other information materials pertaining to their PhilHealth membership,” pahayag ni Atty. Alexander Padilla, pangulo at CEO ng PhilHealth at binanggit ang kasunduan nila sa Commission on Filipinos Overseas (CFO) para buksan ang www.balinkbayan.gov.ph.

“With this project, we can be assured that online communications are maintained and made readily available for OFWs,” dagdag ni Padilla.

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

Ipinabatid ni CFO Chairperson Imelda M. Nicolas na aabot sa 11 milyon ang OFW na maiuugnay sa kanilang pamilya.

“Currently, we already have 10.5 million overseas Filipinos and since the family size of the Filipino family is five, we are really talking to 50 million Filipinos that could be covered by PhilHealth,” pahayag ni Nicolas.