Inabsuwelto ng Court of Appeals (CA) ang tatlong estudyante ng Ateneo de Manila University (ADMU) sa pagkamatay ng Aquila Legis fraternity neophyte na si Leonardo “Lenny” H. Villa sa brutal na initiation rites ng grupo noong Pebrero 1991.

Sinabing inabuso ng korte sa Caloocan City ang kapangyarihan nit

o sa hindi pagkilala sa karapatan ng mga petitioner sa mabilis na paglilitis, ibinasura ng Eighth Division ng CA ang mga kasong homicide laban kina Stanley Fernandez, Florentino Ampil at Noel Cabangon.

Sa 13-pahinang desisyon ng appellate court, sinisi rin ang kabiguan ng prosekusyon na tumalima sa utos ng korte at ang kawalang aksiyon ng Caloocan City sa ilang mosyon na inihain ng mga petitioner.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“The proceedings in petitioners’ case were marked with unjustified delays which were not attributable to the petitioners,” saad sa desisyon ng CA, na isinulat ni Associate Justice Nina G. Antonio-Valenzuela.

Sina Fernandez, Ampil at Cabangon ay kabilang sa mga huling miyembro ng Aquila Legis fraternity na may nakabimbing kaso ng homicide kaugnay ng pagkamatay ni Villa. Siyam na Aquilans ang kinasuhan sa insidente.