Nagbabala si Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa mga opisyal ng Department of Energy (DoE) na tiyaking mayroon kuryente sa Mayo 2, ang araw ng $200-M megafight nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr.

Ayon kay Recto, dapat ay magtuluy-tuloy ang kuryente sa Mayo 2 upang maiwasang gawing “punching bag” ng mamamayan ang energy officials.

Iginiit ni Recto na dapat gamitin ng executive branch ang emergency power para matugunan ang problema sa kuryente ng bansa.

“I think one promissory note we should be asking from the DoE is that there will be adequate supply of electricity on the day of Pacquiao-Mayweather megabout,” pahayag ni Recto.

National

Rep. Roman, dismayado sa pahayag ni VP Sara: ‘We should not equate being gay with being weak!’

Aniya, kung hindi makapapanood ang sambayanan sa laban, tiyak na babatikusin dito ang pamahalaan.

Una nang hiniling ng Palasyo sa kongreso na pagkalooban ng emergency power si Pangulong Benigno Aquino III para makakuha ng dagdag na kapasidad ng kuryente para maiwasan ang brownout.

“You have the powers, you will have hundreds of millions of pesos, you have the time, so please see to it that there will be no brownout not only on May 2 but throughout the summer,” dagdag pa ni Recto.