Isang buwan makaraan ang engkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao na ikinamatay ng 44 na police commando, ipinag-utos kahapon ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang isang all-out offensive operation laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Ito ang direktiba ni Catapang sa Western Mindanao Command (Wesmincom) matapos ang pagdinig ng Senado sa insidente sa Mamasapano.

Sinabi ng AFP chief na layunin niyang protektahan ang mga komunidad laban sa mga pag-atake ng BIFF.

Inilabas ni Catapang ang direktiba sa gitna ng serye ng paglalaban ng BIFF at Moro Islamic Liberation Front (MILF), na nagsimula may dalawang linggo na ang nakalilipas sa Pagalungan, Maguindanao, na nagresulta sa paglikas ng libu-libong residente sa pangambang maipit sa kaguluhan.

National

‘Hindi nag-eexist?’ Mary Grace Piattos, walang kahit anong record sa PSA

Naapektuhan na rin ng nasabing mga paglalaban ang mga barangay sa Pikit, North Cotabato. - Elena L. Aben