Pebrero 26, 1909 nang isapubliko ang Kinemacolor, na 21 short film ang itinampok sa Palace Theatre sa London. Pangunahing coloring system bago ang World War I, mayroon itong two-color additive process, na kinakailangang i-project ang isang black-and-white film na nasa likod ng pula at berdeng filter.

Ang teknolohiya ay nilikha sa England ng Amerikanong si Charles Urban at ng British partner niyang si C. Albert Smith. May standard itong 32 frame sa kada segundo. Bago ang 1920s, karibal na nito ang Technicolor.

Sa daan-daang cinematic theatre sa Amerika, United Kingdom at Japan, daan-daang Kinemacolor projector ang ginamit. Noong 1911, ginamit ang Kinematic setup sa coverage ng pagpuputong ng korona ni King George V.

Gayunman, lumikha ang teknolohiya ng mga halatang image distortion, kaya naman gumastos nang malaki ang mga sinehan. Malaki ang kinita nito sa Europe, pero hindi pumatok sa Amerika.

National

Clothing store, nag-sorry sa customer na pinaalis dahil sa stroller ng anak na PWD