Kapag hiniling ni Floyd Mayweather Jr., payag ang World Boxing Association (WBA) na paglabanan ng Amerikano, bukod ang kanyang welterweight title, at WBO titlist Manny Pacquiao ang super welterweight o light middleweight divisions.

Maghaharap sina Mayweather at Pacquiao sa Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada sa $200-M welterweight unification bout ngunit puwede ring itaya ng Amerikano ang kanyang WBC at WBA super welterweight titles na tulad ng ginawa nito sa huling pagdepensa kay Argentinian Marcos Maidana noong Setyembre 13, 2014.

Sa panayam ni boxing writer Phil D. Jay ng World Boxing News kay WBA vice president Gilberto Mendoza, inihayag nito na ang tanging hiling lang ni Mayweather ay pahintulutan itong idepensa ang lahat ng WBA at WBC belts nito. 

“The WBA is open to a proposal but haven’t received any request from Floyd Mayweather or his team,” ani Mendoza na naniniwalang papayag din si WBC president Mauricio Sulaiman sa panukalang ito. “Mayweather vs Pacquiao could be the best event that has ever happened to boxing.”

National

‘Para pak na pak!’ Impeachment complaint vs VP Sara, next year na dapat tanggapin – Gadon

“The important thing is that the fight has been made and boxing will be in the eyes of the world for the following three months,” sinabi naman ni Sulaiman. “The details have not been addressed yet regarding the titles.”