Kahapon, sinimulan natin ang pagtalakay sa ilang bagay na hindi mo dapat gawin kapag wala kang pera. Nalaman natin kahapon na (1) Hindi natin dapat ginagastos agad-agad ang malaking perang natatanggap natin (tax refund o company bonus) at sa halip ilagay na lamang sa bangko upang pasimulan ang ugali ng pag-iipok para sa makabuluhang bagay at pantawid na rin sa mga araw na kapos ka sa pera; (2) Dapat nating iwasan ang pagbili-bili ng items na hindi naman talaga natin kailangan o sa halip na magpunta sa convenience store ay sa sari-sari store ka na lang bumili dahil sa laki ng pagkakaiba ng presyo. Makatitipid nga tayo sa sari-sari store para sa parehong item na mabibili sa convenience store; (3) Dapat din nating iwasan ang mangutang ng salapi, lalo na kung may kaakibat itong interes sapagkat maipapahamak lang natin ang ating sarili dahil sa kahirapang magbayad bunga ng maliit na suweldo.

Kaya kapag nakatanggap ka ng malaking pera, magunita mo sana ang mga araw na talagang wala kang pera. Hindi mo dapat inililibre ang iyong sarili sa mga bagay na walang kapararakan. Mag-impok sa bangko nang may pantawid ka sa araw na sadyang kapos ka sa pera.

  • Ang mamuhay nang higit pa sa kakayahan. – Minsan, hindi pa natin kinikita ang pera, nagagastos na natin. Sa mga pangangailangan na lang sa bahay, malaki ang ating nagagastos kaysa kinikita natin. Narinig na natin ang payo ng matatanda: Kapag maigsi ang kumot (suweldong maliit) matutong mamaluktot (magtipid at huwag gagastos ng labis). Kapag natutuhan nating balansehin ang ating ginagastos sa kinikita, hindi tayo mawawalan ng pera.
  • National

    Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga

  • Ang walang impok. – Kung wala ka ngang pera o hindi, halos lahat tayo ay makikinabang sa pag-iimpok ng mas maraming pera. Lalong mahirap makapag-impok kung wala kang pera sapagkat kakailanganin natin ang bawat sentimo upang matugunan ang ating payak na mga pangangailangan. Ngunit maganda pa ring ideya ang mag-impok, at hindi pa huli ang lahat upang simulan iyon.