Tatlong kabataang lalaki na may edad 13 at isang batang babae na may edad 11 ang naging unang qualifiers para sa  National Training Camp ng Jr. NBA/Jr. WNBA Philippines 2015 na inihahatid ng Alaska sa naganap na selection camp sa Palawan.

Ang apat na standouts ay napili mula sa may 198 kalahok sa Regional Selection Camp na idinaos sa Seminario de San Jose sa Tiniguiban, Puerto Princesa noong Pebrero 21-22.

 Sa pagtatapos ng dalawang araw na camp, napahanay sina Jan Patraic Tinbancaya ng Palawan State University, Jazeel Jared Trinidad at Gerald Dagot ng Palawan National High School at Mary Nicole Carlos ng Palawan State University para maging kinatawan ng rehiyon sa National Training Camp.

Pinahanga ng mga nasabing kabataang manlalaro si Jr. NBA/Jr. WNBA Camp Director Chris Sumner sa kanilang naging performances.  

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

“We had a nice turnout and the three boys that we got were very talented. They were very versatile and athletic and I’m excited to see them grow. I think they have a good chance to compete for the All-Stars. As for the young lady, she is awesome. She would cut to the offense, and cut to the defense. I’m excited about what she can do in Manila,” pahayag ni Summer.

Ang mga susunod na Jr. NBA/Jr. WNBA Regional Selection Camps ay nakatakdang ganapin sa Binan, Laguna sa Pebrero 28-Marso 1, sa Iloilo (Marso 7-8), Baguio (Marso 14-15), Bacolod (Marso 21-22), Davao (Marso 28-29) at Manila (Abril 11-12). 

Isinasagawa ito sa pangunguna ni Summer katulong si Alaska Power Camp Director Jeffrey Cariaso at iba pang Alaska coaches na pinangungunahan ni Topex Robinson.

Ito ang ikatlong pagkakataon na idinaos ang Jr. NBA/Jr. WNBA Selection Camp sa Palawan kasunod sa unang pagdaraos noong 2012 na nasundan noong nakaraang taon.

May isang taga-Palawan, sa katauhan ni Paul Harley Dagunan ng San Miguel National High School, ang napili sa Jr. NBA All-Star noong 2012 at sa ngayon ay naglalaro sa collegiate basketball sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).