Pinalaya na ang pitong taong gulang na lalaki na dinukot ng Abu Sayyaf makaraan ang mahigit isang buwang pagkakabihag matapos na magbayad ng ransom ang pamilya ng paslit sa Sulu nitong Pebrero 20.

Kinumpirma ng Joint Task Group Sulu (JTGS) na pinalaya na ang biktimang Grade 3 pupil at taga-Barangay Paligue, Indanan, Sulu.

Ayon sa JTGS, dakong 5:00 ng hapon noong Enero 6 nang dinukot ng dalawang hindi nakilalang lalaki ang bata sa Bgy. Astorias, Jolo, Sulu habang naglalaro sa labas ng kanilang bahay.

Hindi binanggit ng militar kung magkano ang ransom na binayaran ng pamilya ng biktima para sa pagpapalaya rito.
Internasyonal

Embahada ng Pilipinas sa Korea, pinaiiwas mga Pilipino sa rally