Pebrero 24, 1946 nang mahalal bilang presidente ng Argentina ang dating army officer na si Juan Domingo Peron (1895-1974).
Taong 1943 nang lumahok si Peron sa military coup na layuning tuldukan ang walang silbing gobyerno ng nasabing bansa. Sa sumunod na taon ay naging war minister at bise presidente siya.
Oktubre 17, 1954, sa kanyang talumpati na sinaksihan ng 300,000 katao ay ipinangako niya ang tagumpay sa gaganaping presidential polls.
Sa ilalim ng kanyang pamamahala, ipinursige ni Peron ang self-sufficiency ng Argentina at nagtatag ng isang alyansa. Taong 1955 nang mapatalsik siya sa puwesto sa pamamagitan ng military coup.
Pagsapit ng 1973 ay muli siyang nahalal bilang presidente ng Argentina. Makalipas ang isang taon, pumanaw siya at hinalinhan ng ikatlo niyang asawa na si Isabel de Martinez Peron.