Mas madali nang makakukuha ng serbisyo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang mga Pinoy.

“Wherever you are, we are within reach,” pahayag ni PhilHealth President-CEO Atty. Alexander Padilla matapos ihayag na maaari nang kumuha ng mga impormasyon tungkol sa national health insurance program sa Senado at sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Batay sa napagkasunduan, magkakaroon ng espasyo ng PhilHealth sa Senado at sa PCSO at dito at makapagbibigay na ng serbisyo sa mamamayan, gaya ng membership verification at status updates ng claim refund, bukod pa sa tatanggap ng aplikasyon ng bagong miyembro.

Kasabay nito, inihayag ni Padilla na pagsisikapan din ng PhilHealth at PCSO na maiwasang magkadoble ng bayad sa medical services.
National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'