DUBAI (Reuters) – Ipinadala ni Iranian President Hassan Rouhani sa Geneva ang kanyang kapatid at atomic chief upang tapusin ang problema sa nuclear talks kasama ang Amerika at iba pang makakapangyarihang bansa, ayon sa ulat ng Iranian media noong Sabado.

Sinabi ng U.S. Secretary of State John Kerry na makakausap na niya nang personal ang Iranian Secretary of State na si Mohammad Javad Zarif, na nais makipagkasundo ng Washington bago sumapit ang Hunyo 30.

Biyernes nang nagsimulang magpulong sa Geneva ang mga opisyal ng Amerika at Iran upang tuldukan ang 12-taong standoff sa programang nukleyar ng Iran.
National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS